Pulis naputukan ng sariling baril, patay; utol sugatan

NASAWI ang isang pulis at sugatan ang kanyang kuya nang aksidente umanong maputukan ng baril, sa Narra, Palawan, Martes ng gabi.

Ikinasawi ni Cpl. Melvin Rios, miyembro ng Provincial Drug Enforcement Unt, ang tama ng bala sa sentido, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.

Nagtamo naman ng tama ng bala sa kanang bahagi ng panga ang kuya niyang si Roderick.

Naganap ang insidente dakong alas-11:58, sa bahay ng mga Rios sa Purok 3, Brgy. Princess Urduja.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nililinis noon ni Melvin ang kanyang government-issued firearm, katabi ang kuyang si Roderick.

Dinala ang dalawa sa Narra Municipal Hospital para malunasan, pero idineklarang patay ng doktor si Melvin.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon sa insidente.

Read more...