INIHAIN sa Kamara de Representantes ang panukala upang hindi na makagamit ng social media ang mga wala pang 13 taong gulang.
At kung gagamit naman ng social media ang edad 13-17, kailangan ay mayroong parental consent ang mga ito.
Sinabi ni House Deputy Speaker Dan Fernandez na masyado ng nalilimitahan ang face to face interaction ng mga bata sa kapwa bata dahil sa social media kaya inihain niya ang House bill 5307.
“There is a need to pass a legislation that puts children’s well-being on the top priority. If anything, children deserve a strong and effective protections online,” ani Fernandez.
Sa ilalim ng Social Media Regulation and Protection bill maglalagay ang social media companies ng age restrictions sa paggamit ng kanilang produkto. Kailangang hingian nila ng valid government ID at iba pang patunay ang isang user upang matiyak na ito ay hindi na menor de edad.
Sa mga edad 13-17, lilimitahan din sa 30 minuto kada araw ang kanilang paggamit.
“With the advent and creation of social media, children and adolescents’ every move is monitored online and even the youngest are bombarded with advertising when they go online to do their homework, talk with friends and play,” dagdag pa ni Fernandez.