Dingdong bayani ang turing kay Alden; saludo sa fans na nagtatanim ng puno

DINGDONG DANTES AT ALDEN RICHARDS

AMAZING Earth “heroes” ni Dingdong Dantes ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ang mga supporters nito dahil sa mga proyektong isinusulong nila na may kinalaman sa kalikasan.

Last Sunday, special guest ng Kapuso Primetime King ang Pambansang Bae sa Sunday show niyang Amazing Earth.

Kuwento ni Alden, bukod sa charity works na ginagawa ng kanyang fans, may tree planting projects din sila.

“I’m very proud of them dahil sa pagmamahal nila sa kalikasan. Mayroon pa ngang isang puno doon nq ipinangalan nila sa akin at sa team ko,” pahayag ni Alden kay Dong.

Mahalaga para sa Kapuso actor na alagaan ang kalikasan para sa future generation.

“Para may maabutan pa sila. Kasi sayang, eh. Hindi nila mae-experience ang ganda ng mundo kung tayo mismo eh sisirain lang natin,” saad pa ni Alden.

Samantala, tinotoo ni Alden ang pangako niya sa sarili na babalik siya sa South Korea. Nakapunta na siya sa nasabing bansa pero para tumanggap ng award.

This time, bakasyon grande na ang gagawin niya roon ngayong Pasko kasama siyempre ang kanyang pamilya.

Christmas treat na rin niya ito sa kanyang family dahil matagal-tagal na rin silang hindi nakakapag-bonding dahil nagsunud-sunod ang kanyang projects.

Sabi naman ni Alden babalik siya ng bansa bago mag-Dec. 31 dahil siya uli ang magiging host ng taunang New Year’s Special ng GMA Network.

Read more...