Huling-huli sa video: Barbie pinaiyak ni Jak!


NAMAMAGA ang mata ni Barbie Forteza sa mga pictures niya na naglabasan sa social media.

Eh, ginawan kasi siya ng prank ng boyfriend niyang si Jak Roberto kaya nag-beast mode ang Kapuso princess. Lumabas sa vlog ng Pambansang Abs ang buong video ng pambibiktima ng Kapuso hunk sa kanyang girlfriend.

Kaugnay ito ng hindi pagsuot ng helmet ni Jak sakay ang motor papuntang GMA. Ang ginawa ng Kapuso hottie, naglagay siya ng hidden camera sa isang dressing room sa studio.

Kitang-kitang pinagagalitan ni Barbie si Jak dahil hindi nagsuot ng helmet habang naka-motor. Nag-iiyak pa ang dalaga dahil sa sobrang pag-aalala sa boyfriend.

Kinilig naman ang JakBie fans sa napanood nila sa vlog ni Jak, huh!

Grabe talaga ang concern ni Barbie kay Jak, no! Talagang feel na feel mo ang pagmamahal niya sa kanyang boyfriend.

Read more...