Coco kay Vice: Natutuwa ako dahil nahanap na niya ang totoong magmamahal sa kanya

COCO MARTIN, ION PEREZ AT VICE GANDA

Happy si Coco Martin para sa kaibigang si Vice Ganda na super in love ngayon kay Ion Perez.

“Siyempre sobrang saya ako para sa kanya. Alam niyo naman ang hinahanap lang ni Vice ay ‘yung magmamahal lang sa kanya, ‘yung totoong magmamahal sa kanya, kasi nasa kanya na lahat. Wala ng hihilingin ‘yan sa buhay, eh.

“Maayos na rin ‘yung family niya, nagmamahalan sila, ang kulang na lang talaga ay ‘yung magpupuno sa puso niya at nahanap na niya ngayon kaya sobrang proud ako sa kanya at masayang-masaya ako dahil sobrang saya niya ngayon,” Coco said in an interview.

“Sa mga naririnig ko, sa nababalitaan ko, napakabait ni Ion kaya natutuwa ako na nakahanap na rin siya sa wakas ng nagpapasaya sa kanya at nagmamahal ng totoo,” Coco added.

Read more...