PINASOK na rin ng award-winning actress na si Lotlot de Leon kasama ang asawang si Fadi El Soury ang pagma-manage ng basketball team.
Sila ngayon ang manager ng Quezon City Defenders, ang official team ng Quezon City sa National Basketball League (NBL). Dito member ang anak ni Lotlot kay Ramon Christopher na si Diego Gutierrez.
At isa nga iyan sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang pasukin na ang pagma-manage ng team.
“Nakikita ko kasi ang hirap niya. So, kung makakatulong ako na mas mapagaan ang proseso for him to reach his dream and also for the boys, why not? I think, it’s really meant to be. Kasi when we were asked, everything went smoothly. Parang walang naging sagabal.
“Everybody agreed to help and to be there for the team. Parang tuluy-tuloy siya,” sey ng aktres sa ginanap na press launch para sa QC Defenders kamakailan kung saan humarap din ang mga members ng team.
“Siyempre, nakikita ko ang sakripisyo niya. At saka, para wala tayong what ifs sa buhay. Kung kaya naman nating tumulong, bakit hindi?” chika pa ng aktres.
In fairness, high school pa lang ay member na ng varsity team ng basketball si Diego at isa sa pangarap nito ay ang makapasok sa PBA (Philippine Basketball Association), “Siyempre, all of them naman.
They’re hoping that they can get to that, so ito yung simula,” pahayag ni Lotlot.
Hindi isinasara ni Diego ang pintuan niya sa mundo ng showbiz, pero basketball daw talaga ang first love niya. Kaya ang tanong kay Lotlot, mas gusto ba niyang nasa sports ang anak kesa sa showbiz? “Actually, it’s his choice. Kung nasaan ang puso niya. Kasi, never naman akong nagpilit sa mga anak ko kung ano ang dapat nilang gawin.”
Aminado naman si Lotlot at ang asawa nitong si Fadi na magastos ang pagma-manage ng basketball team, “Oo, magastos siya. Pero for the love of, at saka pinagtutulungan naman naming lahat at nakikita namin ang sakripisyo ng mga bata. So, it makes us want to work harder. And sila rin naman ganu’n, so it’s teamwork, it’s vice versa.”
“Basta we’re doing the best we can to support the Quezon City Defenders! Naniniwala ako na kapag maganda ang intention, darating ang lahat ng blessings.
“So we have all the best intention for the kids and for the team and, hopefully, in God’s will, we’ll be able to support them with other people’s help also,” chika pa ni Lotlot.
Bukod kay Diego, kasama rin sa Quezon City Defenders sina Bryan Cabrera, Enzo Battad, Normel delos Reyes, Nikko Lazo, Joshua Roque, Joshua Bringas, MJ Enriquez, Nikko Lao, Mark Puspus, Bryan Nabayra, Dave Torregoza, JR Barde, Peter Cecilio, Jeff Comia, Adzhar Udjan, Jake Bagon, Patrick Boffa at Edric Estacio.
Ang bayaw ni Lotlot na si Mickey Estrada (asawa ni Matet) ang tumatayong head coach ng team. Sa kasalukuyan, 14 teams ang maglalaban-laban sa bagong season ng NBL na magsisimula na sa Nov. 16 sa Filoil Flying V Arena na maapanood din sa Solar Sports at Basketball TV.