TAGOS ang init sa big screen dahil sa maiinit na lampungan at romansahan nina Lovi Poe at Joem Bascon sa pelikula nilang “The Annulment” under Regal Entertainment.
Palakpakan ang audience na nanood sa premiere night ng bagong obra ni Mac Alejandre dahil sa tapang ng dalawang bida sa kanilang laplapan at love scene.
Shocked ang mga manonood sa ilang eksena sa kama nina Lovi at Joem, lalo na nang kagat-kagatin pa ng Kapuso actress si Joem sa iba’t ibang bahagi ng hubad na katawan nito. Bukod pa diyan ang walang patumanggang pagkubabaw ng dalaga sa kanyang leading man.
Eh, siyempre, patatalbog ba si Joem na may pasilip din ng kanyang makinis na puwet kaya tilian ang audience sabay palakpakan nang matapos ang sex scene na iyon ng dalawa!
Pero aside from these daring scenes, mas lumutang pa rin ang galing nila sa mga tagos sa puso at madadramang eksena. Sa nasabing movie, matatawag na all-around rakatera ang role ni Lovi na na-in love at nagpakasal sa mekanikong si Joem na hirap na hirap umasenso sa buhay.
Damang-dama sa mukha ni Lovi ang kapaguran sa pagkakaroon ng asawang mahina ang utak, walang permanenteng trabaho at ma-pride na lalaki.
Kaya ang ending, hindi na nakatiis si Lovi at nag-file ng petition for annulment para mapawalang-bisa ang kasal nila ng asawa. Kung ano ang epekto nito sa isang married couple habang hinihintay ang desisyon ng korte ang siyang nais iparating na mensahe ng movie.
Bukod sa magagaling na artisa, winner din ang direksyon ni Mac Alejandre na siguradong makaka-score ng nominations sa susunod na award-giving season.
Kasama rin sa “The Annulment” si Myrtle Sarrosa na pumapel na kabit ni Joem. May sarili rin siyang moment sa pakikipagtalik kay Joem.
Pero nang mahuli sila ni Lovi sa loob mismo ng kanilang bahay, nakatikim siya ng hagupit ng kamay ng Kapuso actress, huh! Clap, clap, clap ang audience sa eksena nilang ‘yon, huh!
Sa mga married couple na may problema sa kanilang pagsasama at gusto nang wakasan ang lahat, panoorin n’yo muna ang “The Annulment” na showing na ngayon para malaman ang epekto nito sa isang mag-asawa, huh!
Grade B ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa “The Annulement” at rated R-13 without cuts sa MTRCB.