‘Bababa ba ang presyo ng gas kung totoong magdyowa nga sina Atong Ang at Gretchen?’

ATONG ANG AT GRETCHEN BARRETTO

Dumating sa premiere night ng pelikulang “Two Love You” na ipinrodyus ng aming anak-anakang si Ogie Diaz si Gretchen Barretto.

Hindi na siya pumasok, sinamahan lang niya si Elaine, ang sumusubok sa pag-aartistang anak ni Atong Ang.

Artista ng produksiyon ni Ogie Diaz si Elaine bilang kaibigan ni Yen Santos, alam ng buong mundo kung gaano kayaman ang pamilya ng dalaga, pero passion nito ang pag-aartista.

Naging usap-usapan ang pagsasama nina Gretchen at Elaine, totoo raw palang kaibigan ni Gretchen ang mga anak ng businessman na napapabalitang karelasyon niya, katatapos lang din kasing dumalo ng aktres sa kaarawan naman ng ina ni Atong Ang.

Marami nang naguguluhan sa takbo ng lovelife ni Gretchen. Maraming nagpapatotoo na sila na nga ni Atong Ang, pero bakit nakakasama rin daw naman nila sa iba-ibang okasyon si Mr. Tony “Boy” Cojuangco?

Pero tama ang komento ng kaibigan naming propesor, ang sabi nito, “Naku, pabayaan na nga natin ang kuwento ng lovelife ni Greta! Bababa ba ang presyo ng gasolina kung hindi totoo ang kuwentong magkarelasyon sila ni Atong Ang?

“Nagkakamura na ang mga gulay na mula sa Baguio, dalawang piso na lang ang isang kilo ng sayote, nagkakatusak na kasi sa merkado!” sabi ni prop.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Read more...