Kontrobersyal na female singer may mga reklamo sa manager; ayaw nang kumanta

ANG dami-daming kuwentong negatibo na lumulutang ngayon tungkol sa isang female performer na biglang naging paksa sa halos lahat ng kuwentuhan dahil sa ginawa niyang kalokahan.

Maraming nawiwindang sa kanyang mga pinaggagagawa ngayon, nagpaalam na kuno ang napakasimpleng babaeng walang kibo, pero kapag pumagitna naman sa entablado ay pinapalakpakan ng kanyang manonood.

Nagugulat ang kanyang mga kapwa singers, naninibago ang mga ito sa mga kinasasangkutang kontrobersiya ngayon ng magaling pa namang female singer, ano na raw ba ang nagaganap sa kanyang personal na buhay at career?

Kuwento ng isang source, “May kuwentong umiikot ngayon na meron din pala siyang sama ng loob sa management outfit niya.

“Kasi raw, e, isinusuga siyang parang kalabaw, wala na halos siyang pahinga, lahat na lang daw ng mga offers na dumarating sa kanilang opisina, e, tinatanggap ng mga nagpapatakbo ng career niya!

“May time daw na halos wala na siyang tulog at pahinga dahil kararating lang niya mula sa ibang bansa, pagdating niya dito, e, meron na agad siyang show na kailangang puntahan!

“May jetlag pa raw ang girl, antok na antok na, pero hindi siya puwedeng magpahinga dahil may tinanggap na show ang mga managers niya right that night na dumating siya!

“‘Yun daw ang isa sa mga himutok ng girl kaya siya nagkakaganyan ngayon. Gusto na raw niyang magpahinga, ayaw na raw niyang kumanta,” napapailing na kuwento ng aming source.

Meron din namang istoryang lumaki na kuno ang ulo ng female singer dahil magagandang exposures ang dumarating sa kanya ngayon. Hindi na kuno niya kayang i-handle ang popularidad na tinatamasa niya ngayon.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Naku naman! Napakaaga naman yatang paglaki ng ulo ‘yan! E, hindi pa naman siya itinuturing na poste, isa pa lang siya sa marami, kaya mukhang hindi pa panahon para siya magkaganyan!

“Mahimasmasan sana siya, attitude ang unang-unang dapat niyang alagaan, dahil ang talent niya, e, siguradong mababalewala kapag ipinagpatuloy niya ang pagwawalang-bahala sa mga taong kumukuha at nagtitiwala sa kanya!

“‘Yun ang amon, este hamon, sa kanya ngayon ng marami! Tungtong lang sa lupa ang mga paa kapag may time!” pagtatapos ng aming source.

Wala nang kailangang clue, bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio!

Read more...