Bato sa pagkamatay ng PMA cadets: ‘Minalas lang’

 

SINABI ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na minalas lamang ang dalawang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

“Minalas lang ‘yun,” sabi ni Dela Rosa, na dating police chief at alumnis ng PMA alumnus, sa isang panayam sa Headstart ng ANC kaugnay ng pinakahuling kaso ng mga namatay na kadete.

Ito’y sa harap naman ng sunod-sunod na kontrobersiya na kinasasangkutan ng PMA na sinimulan ng pagkamatay dahil sa hazing ni

cadet Darwin Dormitorio noong Setyembre.

Noong Biyernernes, natagpuang patay ang kaklase ni Dormitorio na si Cadet Fourth Class Mario Telan Jr.,  sa ilalim ng 15 talampakang swimming pool ng PMA.

“They are separate incidents. Two isolated incidents,” giit ni Dela Rosa. “Yung isa, hazing. Ito naman itong death sa swimming pool, hindi ‘yun hazing. Kapabayaan yun ng mga instructors.”

“Bakit yung bata, yung kadete na non-swimmer, napabayaan dun, lumubog na pala, di nila na-account, so negligence lang on part of the instructors bakit napabayaan ‘yun,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Naniniwala rin si Dela Rosa na isolated na kaso lamang ang mga ito.

“They should be accountable for their actions. May namatay eh, so pag may namatay, may mananagot,” sabi pa ni Dela Rosa.

Read more...