Na-shock si Julia Barretto nang muling makita ang dating boyfriend na si Joshua Garcia sa 2019 ABS-CBN Station ID shoot kamakailan.
Ayon sa isang source, mukhang matagal-tagal na ring hindi nagkikita ang dalawa simula noong maghiwalay sila. Hindi naman nag-iwasan ang dating magdyowa, sa katunayan masaya nilang binati ang isa’t isa. Medyo nailang lang daw ang aktres dahil sa kapayatan ni Joshua.
Kaya bago magpaalam si Julia, may paalala ito sa ex-BF, “Ang payat mo. Kumain ka.” Isang makahulugang ngiti lang daw ang isinukli ng magaling na aktor kay Julia bago sila tuluyang maghiwalay.
Muling mapapanood ang dalawa sa upcoming horror film na “Block Z” na nakatakdang ipalabas sa 2020.
MOST READ
LATEST STORIES