Sa halip na ma-offend o mabastusan sa mga naglabasang memes ng sexy photos niya sa social media, aliw na aliw pa si Nadine Lustre nang makita niya ang mga ito.
Sa interview ng press sa live-in partner ni James Reid sa “Family is Forever” station ID shoot ng ABS-CBN, sinabi nitong kuha ang nasabing mga litrato pagkatapos ng pictorial niya para sa isang endorsement.
“Idea ‘yun ng makeup artist ko because that was after an endorsement shoot tapos sabi nila mag-fun shoot naman tayo saglit lang para may ma-post naman kami sa birthday mo.
“So ayon, si Dookie Ducay ‘yung photographer tapos si Jelly (her makeup artist) naisip niya ‘yun,” aniya.
Talagang pinag-init ni Nadine ang social media nang kumalat na ang kanyang sexy photos kabilang na ang litrato kung saan nagpasilip siya ng kanyang boobs at pwet. Ito nga ang ginawan ng iba’t ibang memes ng netizens na ginaya pa nga ng gay comedian na si Ate Gay sa isa niyang Instagram photo.
“Ang saya, ako kasi mahilig po ako sa mga ganong mga memes, ‘yung mga ini-edit lalo na sa Facebook ang dami kasing ganoon. Wala ang saya lang niya. Nakakatuwa siya hindi ako na-offend in any way. Ipinakita ko nga kay James, natawa din siya,” kuwento ni Nadine.
Napapanood ngayon si Nadine bilang judge sa reality talent show na Your Moment sa ABS-CBN at natutuwa siya dahil magaganda ang comments ng viewers sa kanilang show.
“I’m really, really happy kasi first time ko po mag-judge po, eh. Kanina tsinek ko po ‘yung comments and updates, mga photos, in fairness ang ganda naman ng feedback and everyone’s really happy. Kanina pagdating ko nagko-congratulate silang lahat.
“And ‘yun nga maganda raw ‘yung show and I am really happy because this is something really new for me tapos for them na sabihin na okay akong mag-judge kahit na hindi pa ako ganon kagaling magsalita in public,” chika pa ng dalaga.