Sarah G. ayaw pa ring magbigay ng detalye sa wedding nila ni Matteo

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

TUMANGGING magbigay ng detalye ang Kapamilya singer-actress na si Sarah Geronimo tungkol sa engagement nila ni Matteo Guidicelli.

Hangga’t maaari raw ay ayaw muna niyang magsalita about the wedding pero nagpasalamat naman siya sa lahat ng nag-congratulate sa kanila ni Matteo matapos ngang bumandera sa social media ang balitang nag-propose na ang hunk actor kay Sarah.

“Thank you so much. Maraming salamat po,” ang matipid na pahayag ng future Mrs. Matteo Guidicelli sa panayam kay Sarah during the shoot of ABS-CBN Christmas Station ID 2019.

May mga chika na kung hindi ngayong December, 2019 magaganap ang kasal ng dalawa, posibleng sa unang quarter ng 2020 magandang ang kanilang bonggang wedding.

Samantala, thankful din ang Popstar Royalty na hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng ABS-CBN at isa pa rin siya sa mga mapapanood sa Christimas Station ID ng network, “Of course, very thankful at masarap sa pakiramdam na bahagi pa rin po tayo ng Kapamilya network. Thankful.”

 

Read more...