Nanay ni Kiray tinarayan ni Kitkat dahil sa nawawalang chocolate?

KIRAY CELIS

NAGSIMULA sa blind item ang eksena diumano ni Kitkat sa nanay ni Kiray Celis.

May kinalaman iyon sa chocolates na noong una ay ipinamigay ni Kitkat sa set. Since take na niya, itinabi niya ang natirang chocolates na pinakialaman daw ng madir ni Kiray and gave it to the people on the set. Pero sinabi naman niya na galing iyon kay Kitkat.

Laking gulat ni Kitkat when she returned to her room dahil nagpasalamat lahat sa kanya ang nabigyan ng chocolates ng madir ni Kiray.

When she learned about it, Kitkat confronted Kiray’s mom. Tinarayan daw niya ito at sinabihah ng masasakit na salita. Hindi naman nakakibo ang komedyanteng si Kiray.

When Lolit Solis mentioned it sa kanyang Instagram account, a hairdresser, @juliafresh20, who claims na nandoon siya sa nangyari, reacted.

“Yung sa nanay po ni Kiray andun din po ako at hairstylist ako ni ms Jodi (Sta. Maria) doon. Nakita at nasaksihan ko po lahat ng pangyayari, HINDI PO TINARAYAN NI KITKAT ang nanay ni Kiray bagkus kinausap ng maayos na yung ginawa ay hindi dapat.

“Kasi yang chocolates na yan nasa baunan ni kitkat nasa loob ng baunan nasa baba at gilid nasa sulok, nung umaga namigay si Kitkat ng chocolates to share kasi kumakain sya. Itinago niya ang chocolates sa baunan nya kasi kukunan na sya.

“Malaman ni Kitkat kinuha ng nanay ni Kiray ung chocolates sa baunan na nakatabi na tapos pinamigay sa tao sabay sabi ‘kuha kayo ng chocolates pinapamigay ni Kitkat yan’…. hindi po pagtataray ang nangyari dahil kahit ibang artista saksi at sinabi nga ng mga ibang artista pati ng nakakatanda na maganda at marespeto pa din naman ung sabi ni kitkat sa nanay ni kiray.

“Yung sa mga gamit naman etc kung ano man yun, wag na po tayo magpaka plastic, sa lahat naman ng bagay may reactions tayo, baka sa pagka kikay or pagka komedyante ni kitkat may mga bagay syang nasasabi na hindi naman angkop sa panlasa ng mga taong nakikinig.

“Tama po yan, marami ang di nakakakilala sa ibat ibang tao or artista gaya ni Kitkat kaya sa mga hindi nakakakilala e wag nalang magsalita. Lalo sa mga walang alam at wala naman duon sa mga pangyayari.. #caseClosed.”
‘Yan ang kuwento ni juliafresh20. Habang sinusulat namin ang column na ito, wala pang official statement sina Kitkat at Kiray about the issue. Let’s wait na lang sa kanilang mga pahayag kung totoo ba ito.

 

Read more...