Miles natakot, nanginig sa shooting ng ‘Write About Love’

MILES OCAMPO

Ninerbiyos at nanginig si Miles Ocampo sa mga unang araw ng kanilang shooting para sa pelikulang “Write About Love”, isa sa official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival mula sa TBA Studios.

Imagine, mula sa mga pa-cute roles sa Goin’ Bulilit hanggang sa pagpapatawa sitcom nilang Home Sweetie Home, bidang-bida na siya ngayon sa isang romantic-comedy film na talagang pinag-uusapan ngayon among all the festival entries.

“I was nervous and shaking during my first day of filming because having two cameras working on me has never happened before.

“This is my first big role if not the biggest project I have ever done. And we made it to the MMFF, kaya super happy and excited but of course may nerbiyos din,” pahayag ni Miles.

Swak naman kay Miles ang role niya sa movie bilang aspiring scriptwriter dahil siya mismo ay interested sa pagsusulat ng script.

Kasama ni Miles sa movie sina Rocco Nacino, Joem Bascon at Yeng Constantino mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino.

Read more...