Hunk actor biglang nagulo ang buhay nang maging dyowa si selosang aktres

BIHIRANG-BIHIRANG magpakita ng emosyon ang pamilya ng isang guwapong young actor, hindi nakikialam ang kanyang pamilya sa mga isyu ng kanilang anak, pero sa unang pagkakataon ay nagpalutang sila ng pagkadismaya sa babaeng nauugnay sa kanilang binata.

Hindi boto ang pamilya sa young female personality, sa kanilang palagay ay makasisira lang ang girl sa magandang takbo ng career ng binatang aktor, kung sila ang masusunod ay mas magandang hiwalayan na ng young actor ang kanyang girlfriend.

Kuwento ng aming source, “Kitang-kita naman na tahimik ang buhay ng young actor mula nu’ng magsimula siyang mag-artista, smooth ang career at personal life niya.

“Pero mula nu’ng ma-link na siya sa babaeng selosang ‘yun, e, nagkagulo-gulo na ang buhay ng male personality. Sobrang hinahawakan niya sa leeg ang guy!

“Natatakot siguro ang pamilya ng young actor na baka one day, e, wala nang pakinggan ang anak nila dahil sobrang beholden na siya sa girl! Nakakatakot nga naman ang ganu’n!” unang chika ng aming impormante.

Ganu’n din pala ang nangyari sa unang male personality na naging karelasyon ng young actress. Wala na itong sariling buhay, kung ano ang gustong mangyari ng babae, ‘yun ang kailangan nitong sundin.

Balik-chika ng aming source, “Naku, laking-pasalamat kaya ng family nu’ng guy na tapos na ang lahat sa kanila nu’ng super-selosang girl!

“Umayos nga naman ang personal life ng guy mula nu’ng mawala na sa buhay niya ang young actress na kung makapagselos, e, parang wala nang bukas!

“May kausapin lang na babae ang guy, e, agad nang nakatalak ang babae, kung anu-ano na ang sinasabi, malaking kabuwisitan nga naman sa isang relasyon ang kakitiran ng utak ng babae!

“Heto na ngayon, ang isang guwapong young actor naman ang binubuwisit ng selosang girl, konting kibot lang, nakaselos na agad ang hitad!

“Halatadong mukhang hawak na rin niya sa leeg ang guy, dahil ipinagtanggol siya sa isang nakakalokang ginawa niya lately. Nakakatakot nga ‘yun! Dapat lang mag-alala ang pamilya ng lalaki kapag ganu’n!

“Naku, ipatapon na lang nila sa Spain ang babaeng ‘yun na ubod nang selosa at palaging wala sa hulog ang ugali!” pagtatapos ng aming impormante.

Spain daw ba, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Saan naman kaya sa Spain?

Read more...