Rita Daniela ayaw dyowain si Ken Chan: Baka kasi biglang mawala ‘yung magic ng RitKen!

RITA DANIELA AT KEN CHAN

TINULDUKAN na ni Rita Daniela ang pambubuyo ng press na gawin na nilang totohanan ni Ken Chan ang kanilang relasyon bilang magka-loveteam on screen.

Lutang na lutang kasi ang chemistry nila sa Kapuso primetime series na One of the Baes lalo na’t mga normal na tao ang character nila sa show kumpara sa unang pinagsamahan nilang afternoon drama na My Special Tatay.

“Mahirap po kapag hinaluan natin ng relasyon ang loveteam namin ni Ken. Baka kapag nag-fall kami sa isat isa, mawala ‘yung magic sa loveteam namin,” rason ni Rita.

Kinuha sina Rita at Ken bilang bagong brand ambassadors ng Beautederm ni Rhea Tan. Sila ang mga karagdagang endorsers ng beauty and wellness brand kasama ang ilan pang GMA artists tulad nina Camille Prats, Pauline Mendoza at Sanya Lopez.

Kahit meron ding Kapamilya stars na endorsers ang Beautederm, nagsisilbing Mother Hen ang may-ari ng Beautederm na si Rhea Tan at wala siyang nakikitang isyu sa mga ito tuwing may mall shows ang kanilang kumpanya.

This month, 40 years old na si Ms. Rhea at malapit na rin niyang mabuo ang target niyang 100 stores hindi lang dito sa bansa kundi maging sa iba pang bahagi ng mundo.

Sa totoo lang, sobrang blessed ng super successful businesswoman lalo na’t alam niyang maraming Pinoy ang kanyang natutulungan kapag pinasok ang pagiging reseller ng Beautederm products. And take note, hindi siya tumatanggap ng endorser at reseller kung hindi talaga ginagamit ang kanyang mga produkto, huh!

Read more...