LPA magiging bagyo-PAGASA

INAASAHANG magiging bagyo ang binabantayang low pressure area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Hapon ng Lunes, ang LPA ay nasa layong 1,005 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

“This weather disturbance is likely to develop into Tropical Depression “RAMON” within 48 hours and may affect the coastal and inland areas in the eastern sections of Luzon and Visayas during the middle and later part of this week,” saad ng advisory ng PAGASA.

Ang LPA ay magdadala ng maulap na papawirin na magdadala ng pag-ulan sa Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, Quezon, Mindoro Provinces, Marinduque, at Romblon.

Ito na ang ikalawang bagyo ngayong buwan.

Read more...