Robredo all talk sa drug war- Cayetano

NAGING “Oplan All Talk” na umano ang Oplan Tokhang ng gobyerno dahil sa kasasalita ni Vice President Leni Robredo mula ng maging co-chairman ito ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano ang tagumpay ni Robredo sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot ay tagumpay din ng gobyerno.

“So the success of the ICAD and Vice President Leni, success of the whole country. Failure is not only her failure, failure natin lahat. So I wanna make that clear na dapat tanggalin ang politics, whether from the opposition or administration when it comes to drug war,” ani Cayetano.

Napansin umano ni Cayetano na mula ng maupo si Robredo ay naging ‘All Talk’ na lang ang war on drugs.

“I’ve been monitoring for the last three days, and parang from ‘Operating Tokhang’, parang naging ‘Operation All-Talk’ eh. Well, nagulat ako. I guess it just so happens that the vice president is the favorite media, or she likes media exposure.”

Hindi pa umano nakukuha ni Robredo ang buong detalye at mga datos para sa kanyang unang trabaho ay panay salita na ito.

“But usually in her first three days, sa office ko nga the first month, I asked people to be involved in all the meetings, get yourself acquainted, and everything, then do the talking later. Pero pag-upo pa lang, “UN papasukin daw, tokhang tanggaling mo, etc.” So it’s hard to know… Then now she says magpapa-briefing sa lahat ng department at sa lahat ng agencies. Eh hindi pa pala nagbibi-briefing, so why already all of these ideas and criticisms?” dagdag pa ni Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na mula 1970s, ang Duterte government ang may pinakamagandang performance pagdating sa war on drugs.

“They’ve been criticizing for the last three, four years, and they’ve been claiming that we lost innocent lives which is partly true. And they’ve also said that hindi successful. We will debate that it’s not successful and I would say that since the 1970s, ito ang pinaka-successful na campaign against drugs. Sa innocent life, look at the time of President Arroyo or President Aquino, we lost more innocent life when we did nothing.”

Read more...