Kulang ka ba sa vitamin B12? | Bandera

Kulang ka ba sa vitamin B12?

Leifbilly Begas - April 11, 2020 - 07:00 PM

KULANG ka ba sa vitamin B12? Alam mo ba kung ano yun?

Ang vitamin B12 ay kailangan ng katawan ng isang tao pero hindi gaya ng ibang kemikal hindi kaya ng katawan na mag-produce nito.

Ang bitaminang ito ay makukuha sa pagkain ng karne kaya ang isang vegetarian na hindi umiinom ng supplement ay posibleng magkaroon ng B12 deficiency.

Ayon sa VeryWellHealth, kung ang isang tao ay mayroong B12 deficiency siya ay maaaring may anemia.

Ibig sabihin, hindi tama ang takbo ng Red Blood Cell sa kanyang katawan na posibleng magdulot ng kapaguran at mabilis na pagtibok ng puso.

Ang Red Blood cell ang nagdadala ng oxygen at carbon dioxide sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kaya kung depektibo ang Red Blood Cell maaari itong magdulot ng malaking problema sa katawan.

Magreresulta rin ang kakulangan ng bitaminang ito sa neuropathy o pananakit ng mga ugat na magreresulta naman sa mabilis o madalas na pamamanhid, panghihina at kawalan ng balanse.

Posible rin na magkaroon ng Myelopathy ang taong kulang ng B12. Ang Myelopathy ay problema sa gulugod dahil sa paghina ng neurons na nasa posterior column ng spinal cord. Ito ay magreresulta sa panghihina ng mga kalamnan at mahinang pakiramdam.

Lalo namang lalala ang dementia kung may kakulangan sa B12 ang pasyente na mayroong ganitong karamdaman. Kaya mas lalo siyang magiging makakalimutan, mawawalan ng pagpapahalaga sa sarili at pagbabago ng ugali.

Bukod sa kakulangan ng pagkain ng karne, maaaring magkaroon ng B12 deficiency ang isang tao na sumailalim sa gastric bypass surgery o gastrointestinal malabsorption na nangangahulugan na hindi naa-absorb ng mabuti ng katawan ang kinakain.

Maaaring malaman kung may kakulangan sa B12 ang isang tao sa pamamagitan ng blood test.

Ang gamot sa kakulangan ng B12 ay ang pagkain ng mga pagkain na mayaman nito o ang pag-inom ng supplements. Maaari rin na bigyan ng B12 ang isang pasyente sa pamamagitan ng injection (intramuscular). Ang pag-inject nito ay kadalasang ginagawa kung ang pasyente ay may kakulangan sa pag-absorb nito mula sa pagkain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa karne, mayaman din sa B12 ang manok, isda, dairy products, at fortified cereals.

Hindi mabilisan ang paggaling mula sa B12 deficiency. Maaaring tumagal ng anim hanggang 12 buwan bago maging normal ang lebel nito sa katawan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending