Dimples botong-boto sa relasyong Vice-Ion: Pareho silang mabuting tao, mahal nila ang isa’t isa!

BOTONG-BOTO rin ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez na kamakailan lang ay ibinandera na sa buong universe na isang taon na silang magdyowa.

Ayon kay Dimples, super happy niya para kay Vice dahil mukhang natagpuan na nito ang true love kay Ion. Kasama ang aktres sa 2019 Metro Manila Film Festival entry nina Vice at Anne Curtis na “The Mall, The Merrier”.

Sa nakaraang press launch ni Dimples bilang ambassador ng beauty and wellness products na Skin Magical, sinabi nito na deserve naman ng Unkabogable Star ang lumigaya.

“Alam mo mabuti silang tao pareho. They know what to do, they know the timing, they know and they love each other, and I’m just happy na buhay na buhay ‘yung ganu’ng klaseng pagmamahal,” pahayag ni Dimples.

Aniya, mas sumipag pang magtrabaho at palagi ring masaya ngayon si Vice mula nang ibandera na nila ni Ion sa madlang pipol ang kanilang relasyon, “Ang saya-saya niya, ang mga mata niya ay kumukuti-kutitap.”
Samantala, sa mediacon ng Skin Magical para kay Dimples bilang bago nilang celebrity endorser, inamin ng aktres na problema rin niya noon ang kanyang skin kaya talagang i-naatake siya insecurity.

Tandang-tanda pa niya ang pagkakaroon ng napakaraming pimples sa kanyang mukha noong ginagawa niya ang seryeng Kay Tagal Kang Hinintay kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

“Kaya tayo tutok doon dahil nagkaroon tayo ng problema tungkol doon (tighiyawat). Ganu’n ‘yun, di ba? Kunwari prinoblema mo ng bata kayo na wala kayong pera. Kaya ka nagpupursigi. Kasi ‘yun ang pinagdaanan mo. And just the same way with the skin, gro-wing up I didn’t have good skin.

“Nu’ng days ko, kami nina John Lloyd-Bea, oh my God, ‘yung pimple ko parang ‘pag tumubo sa admiral talaga. ‘Yung sa ilong, dito, dito sa gilid. Mako-connect the dots mo!” lahad ni Dimples.

“Kaya nakaka-relate ako sa may pinagdadaanang ganu’n. Tuloy, natuto akong mag-ingat sa skin ko. Kasi naintindihan ko na okay sa akin ko iba para sa’yo, iba para sa akin. Mahirap kasi na porke’t ito ang ginagamit niya, ‘yun ang gagamitin mo because you think parehas kayo ng skin,” dugtong pa niya
Kailangan din daw triple ang gawin nilang pag-aalaga ngayon sa kanilang itsura, “Kasi ‘pag nakita ka nila sa TV, nakita nila ang pimple mo, hanggang ngayon makikita nila kasi may YouTube na. So imagine mo parang na-immortalize na ‘yung pimple mo.

“‘Yung pimple mo na 16 years old ka, hanggang ngayon pwede nilang pag-usapan. So ang sa akin, hangga’t kaya mo makahanap ng produkto na mahihiyang ka, stay with it, stick with it, and make sure that it works well for you and at the same time alam mo when to use it.

“Kasi for example hindi mo kailangan ng collagen, hindi muna ngayon kasi umpak na umpak naman ‘yung skin. So okay, sunblock tayo ngayon. Pero akin lang, growing up I didn’t have great skin,” aniya pa.

“And sa totoo lang ngayon, ang maganda sa ating lahat, kahit hindi tayo artista, ang peg natin palagi ay kutis-artista. Gusto mo na ‘yung parang mamula-mula. Kung hindi mo man gustong maputi, ‘yun bang makinis talaga,” hirit pa ni Dimples.

Kaya nga saktung-sakto para kay Dimples ang pagiging endorser ng skin care brand na Skin Magical para sa kanilang “Gandang Palaban” campaign.

Ayon kina Skin Magical chief operating officer Ghie Pangilinan and husband Jerry, Dimples shares the same characteristics as that of the brand’s campaign, with the objective of making everyone confidently beautiful and happily achieve a successful life.

“Dimples continues to display her passion for her craft given her stature in showbiz. Apart from acting, she takes on a real-life role as a responsible, loving mom to Callie and Alonzo and dutiful wife to Boyet Ahmee. And we believe she’s the perfect woman para sa a-ming ipinaglalaban,” ayon kay Ghie.

Sey naman ni Dimples, “I’ve always admired their mission and vision as a company. I saw how Miss Ghie, together with her amazing team, would truly care for our skin care routine, how she would constantly empower those who are new in the business and those who look up to her for inspiration and guidance.”

Sa ngayon, may 80 franchisees at 150 distributors na ang nasabing brand at i-naasahang mas dadami pa sa pagdating ni Dimples bilang beauty and wellness ambassador.

Read more...