Horoscope, Nov. 10, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Maglagay ng aquarium sa sala ng bahay upang mas madali mahigop ang suwerte at magandang kapalaran. Isang isdang itim at walong isdang pula, o kaya naman’y isang isdang pula at walong isdang itim. Sa lovelife, isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Cancer ang pang habang buhay na magpapaligaya sa iyo. Markahan ang 2, 11, 23, 31, 37 at 42. Green at lilac ang buenas. Swerte ang initial na P. at Y.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag magpaapekto sa mga nangyayari. Tandaang may iisa ka lang na layunin – ang yumaman. Sa lovelife, ngayon pa lang paghandaan na ang ireregalo sa kasuyo sa darating na kapaskuhan. Markahan ang 3, 12, 22, 31, 40 at 49. Beige at purple ang buenas. Swerte ang initial na M. at F.
Taurus – (April 20-May 20) — Simulan sa pagsisimba ang araw na ito. Magsuot ng kulay na red. Sa ganyang paraan, sa lovelife at sa aspetong pananalapi, maakit mo ang suwerte at magandang kapalaran. Markahan ang 6, 9, 18, 27, 33, at 45. Bukod sa red ang pink ay buenas. Swerte ang initial na B. at R.
Gemini – (May 21-June 21) — Panahon na upang magpaganda hindi lamang ng katawan kudni magpaganda rin ng bahay. Ngayong Kapaskuhan, habang pinapaganda mo ang inyong bahay, darating ang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 1, 5, 27, 33, 42 at 47. Blue at lilac ang buenas na kulay. Swerte ang initial na D. at M.
Cancer – (June 22- July 22) — Dadalawin ka ng suwerte at magandang kapalaran kung susubukan mong umalis sa iyong private zone. Sa pakikipagsapalaran, mas malaking tagumpay ang makakamit. Sa lovelife, wag mahiyang yayain ang kasuyo sa isang romantikong lugar na malapit sa nature. Markahan ang 7, 10, 19, 28, 40 at 46. Green at white ang buenas. Swerte ang initial na L. at S.
Leo – (July 23 – August 22) — Inuutusan ka ng langit na maging masaya at laging magpaganda, dahil nasusulat na mas madaling maaakit ang suwerte at magandang kapalaran kung pananatiliin mo ang iyong kagandahan. Laging ngumiti at maging masaya. Ang iyong mga ngiti at positibong aura, ang hihigop ng dagdag na ligaya at mga biyayaya pang material ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan. Markahan ang 4, 18, 23, 32, 38 at 45. Orange at gray ang buenas na kulay. Swerte ang initial na C. at A.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung bibigyang katuparan lamang ng tulad mong Virgo ang kanyang mga iniisip mas madaling uunlad ang aasenso ang buhay. Sa lovelife, isang Libra ang lihim na may pagtingin sa iyo at siya ang magbibigay sa iyo ng lihim na ligaya. Markahan ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Silver at green ang buenas. Swerte ang initial na H. at J.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi uubrang laging may stress ang buhay. Panahon na upang maglibang at mamasyal. Sa pamamasyal sa magagandang tanawin ngingiti ang bagong sibol na suwerte at magandang kapalaran. Sa lovelife, isang halik lang ng kasuyo na may init at pagnanasa, biglang magliliwanag ang buong paligid. Markahan ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Yellow at blue ang buenas. Swerte ang initial na W. at L.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Anomang hamon ang dumating, siguradong makakaisip ka ng isang malikhaing solusyon. Muli mong pairalin ang iyong “will power”. Ito ang araw na higit kang mananaig kaysa sa mga kumakalaban sa iyo. Markahan ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Green at yellow ang buenas. Swerte ang initial na P. at S.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi dapat tanggihan ang isang imbitasyon sa pag-aabroad. Noon pa gustong-gustong mangibang bansa ang iyong unconscious na sarili, bakit nagdadalawang isip ka pa? Sa ibayong dagat, mas malaking suwerte at pag-unlad ang makakamit. Markahan ang 3, 27, 30, 34, 41 at 48. Blue at silver ang buenas. Suwerte ang initial na C. at D.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ngayon mo mapapatunayang ang nagtiis at nagsisikap ay magtatamo ng magandang kapalaran. Sapagkat nakita ng nasa itaas ang lahat ng iyong ginagawa, at ito ang araw na gagantimpalaan ka ng maraming-maraming suwerte na hindi mo inaasahan pero tunay na tunay na mapapasaiyo. Markahan ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Red at pink ang buenas. Swerte ang initial na R. at S.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Higit kang uunlad at kikita ng maraming pera kung gagamitin ang iyong pagiging unique. Sa lovelife, gamitan ng ibang istilo ng romansa ang kasuyo upang hindi na siya sa iyo bumitiw. Markahan ang 5, 18, 28, 33, 45 at 49. Gold at gray ang buenas. Swerte ang initial na L. at I.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi ka pa ba sinusuwerte? Ayaw mo kasing magsuot ng golden yellow na damit. Sa nasabing kasuutan, makikita mo, dagdag na salapi at masarap na romansa ang iyong maaakit. Markahan ang 1, 13, 22, 31, 40 at 49. Bukod sa golden yellow mapalad din ang green. Swerte ang initial na G. at B.

Read more...