Nathalie Hart mas sumeksi pa matapos manganak; pero hirap maging ‘single mom’


MAS sumeksi pa ngayon ang Kapamilya actress na si Nathalie Hart matapos mabuntis at manganak.

Humarap sa entertainment media si Nathalie kamakalawa para sa presscon ng latest digital movie ng iWant, ang remake ng horror-suspense na “Patayin Sa Sindak Si Barbara” na may titulo ngayong “Barbara Reimagined”.

In fairness, maituturing na ring hot mama ang aktres dahil kahit nga may anak na siya sa kanyang Indian businessman partner na si Mayank Sharma ay matindi pa rin ang kanyang sex appeal.

Kung noon ay nagdadalawang-isip pa si Nathalie kung magpapaseksi pa sa mga susunod niyang projects ngayon ay mukhang palaban pa rin siya sa mga daring roles tulad na lang ng karakter niya sa “Barbara Reimagined”.
Sa pelikula, siya ang gaganap na Barbara na unang ginampanan ni Susan Roces sa original version na sinundan ni Lorna Tolentino sa second remake. Si Kris Aquino naman ang bumida sa TV version nito sa ABS-CBN.

“It doesn’t matter if it’s a sexy role or not, for as long as maganda ang project at maipagmamalaki ko. May sexy na atake talaga sa version na ‘to para masindak talaga ako ng kapatid ko. It makes sense lang na level up ‘yung affair,” lahad ni Nathalie.

“But you know, yung pagiging sexy, it’s not deliberate naman. I just feel sexy these days kahit na mommy na ako, and I want to enjoy it,” aniya pa.

Sa ngayon, “single mother” daw siya sa anak niyang si Penelope at hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa rin siya sa pagiging nanay. Nasa ibang bansa pa rin kasi ang kanyang partner ngayon.

“It’s not easy running a household on your own, so what I learned is that it’s okay not to be perfect, as long as you’re working on it,” sey ng aktres.

Aniya pa sa pagiging mommy, “Mas responsible ako now and mas kuripot. Dati happy-go-lucky lang, ngayon kailangan talaga na may routine.”

Samantala, mapapanood na ngayon nang libre sa iWant ang bagong version ng classic horror film ni Celso Ad Castillo na “Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara”, ito ngang “Barbara Reimagined.”

Sa direksyon ni Benedict Mique (nagdirek din ng ML at MOMOL Nights) at ng namayapang anak ni Celso na si Christopher Ad Castillo, bubuhayin muli si Barbara sa katauhan ni Nathalie.

Minamarkahan ng pagpapalabas nito sa iWant ngayong taon ang ika-45 anibersaryo ng orihinal na iconic horror film ni Celso.
Gaya ng ibang mga remake, tampok sa “Barbara Reimagined” ang kumplikadong kwento ng dalawang magkapatid sa isang pelikulang puno ng paninindak.

Ngunit madadagdagan ng kakaibang takot ang bagong iWant movie dahil maghahandog ito ng isang nakakagimbal na twist sa istorya na hindi aasahan ng mga manonood.

Magdadagdag din ng anghang si Nathalie sa role niya bilang Barbara, kasama sina JC de Vera bilang si James, si Mariel bilang kapatid ni Barbara na si Karen, at ang child star na si Xia Vigor as Isabelle, ang anak nina James at Karen.

Sa “Barbara Reimagined,” uuwi si Barbara para sa libing ni Karen matapos nitong kitilin ang sariling buhay. Habang nagdadalamhati, makakahanap siya ng sasandalan kay James, na dati rin niyang kasintahan.

Magdedesisyon si Barbara na manatili para maalagaan ang pamangking si Isabelle at ituloy ang relasyon nila ni James. Ngunit mapupuno ng kababalaghan ang buhay nila habang unti-unting madidiskubre ni Barbara ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kapatid.

Ang “Barbara Reimagined” ay mula sa produksyon ng LoneWolf Films at ni Malaya Roxanne Santos. Kaya watch na ng “Barbara Reimagined” for free sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph. Pwede na ring i-stream sa iWant ang unang dalawang version ng “Patayin Mo sa Sindak si Barbara”.

Read more...