Jong Madaliday may bagong hugot sa ‘Todo’

November 10,2019
share this

Jong Madaliday may bagong hugot sa ‘Todo’

November 10,2019
share this

MAY bagong kanta ang The Clash alumnus na si Jong Madaliday – ang “Todo” na pangalawa niyang single sa ilalim ng GMA Music.

Mula sa komposisyon ni Vince Labating, ang “Todo” ay kuwento ng isang babaeng nagmahal ng lubos pero binalewala lang ng guy.

Ayon sa GMA Artist Center talent, maraming makaka-relate sa kanta, “Naniniwala ako na mas mararamdaman ng audience ang isang kanta pag based on experiences ang lyrics.”

Iniaalay ni Jong ang “Todo” sa kanyang fans at ibinahaging lubos niya silang pinahahalagahan at pinasasalamatan sa walang humpay na
suporta.

“Todo-todo ang pagmamahal ko sa kanila dahil todo rin po ang suporta nila sa akin, kaya todo ang pasasalamat ko sa kanilang lahat,” ani Jong.

Ang second single ni Jong ay puwede nang mapakinggan sa lahat ng digital streaming platforms worldwide. Maaari rin itong makita sa Spotify New Releases at New Music Friday PH na charts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending