Marian, Jennylyn nag-bonding sa fun run; sanib-pwersa kontra breast cancer

MAGKASAMA sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado sa pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa breast cancer na layunin ng isang brand na kapwa nila ineendorso.

Hosts sina Yan at Jen sa isang fun run event na in-organize ng nasabing brand at naging bonding moment na rin nila ang pagkakataong yun.

Nakuhanan pa nga silang magka-holding hands habang nasa stage, huh! Meaning, maganda ang relationship ng dalawang Kapuso actress kaya tantanan na ang pang-iintriga sa kanila.

Si Jennylyn ang makakatambal ni Dingdong Dantes sa Philippine TV adaptation ng Korean hit drama na Descendants of the Sun. Aprubado ni Marian ang tandem nila kaya walang dahilan para gawan sila ng issue.

Samantala, sa latest vlog naman ni Jennylyn mapapanood ang ilang bonding moments nila ni Marian. Dito rin nila ibinahagi ang kanilang kaalaman on how to do breast self-examination.

Siguradong marunong matututunan ang kababaihan sa mga ise-share nina Yan at Jen about breast cancer.

Read more...