MARAMING plano ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards next year para sa kanyang career.
Matapos nga ang sunud-sunod na tagumpay na kanyang tinanggap mula sa Asian Star Prize award (14th Seoul International Drama Awards), record-breaking movie (Hello, Love, Goodbye) at ang pinag-uusapan at laging trending na primetime serye na The Gift, ngayon pa lang ay inaayos na ng GMA Artist Center ang mga projects niya sa 2020.
Nais ng Pambansang Bae na mas lumawak pa ang kanyang network pagdating sa pagiging artista kaya balak niyang magtungo sa iba’t ibang bansa para sa posibleng collaboration projects with foreign producers and other groups na involved sa entertainment business.
Sa panayam ng GMA sa lead star ng Kapuso primetime series na The Gift, sinabi nito na sana’y makagawa pa siya ng mga makabuluhang proyekto na susukat at hahamon sa kapasidad niya bilang aktor.
“Hopefully do more movies, do more storytelling. Do more na mga bagay na makakadagdag pa sa career and sa experience ko bilang actor. Meet new people sa abroad especially para ma-expand ‘yung horizons ng acting.
“And at the same time mas lumawak ‘yung network ng mga kakilala mo sa industriya and mas maganda kapag if you get to meet new people that you share the same passion with para at least same page kayo kapag when you are together,” paliwanag ng award-winning Kapuso actor.
Pero aniya, mahalaga pa rin ang na alam ng isang artista ang direksyon ng kanyang career, lalo na ang kanyang limitasyon. Kailangan daw laging balanse ang lahat, “Siyempre importante ‘yun para hindi ma-burn out kasi ang hirap naman talaga na experience ko ‘yun na in my almost 10 years in the industry I’ve experienced a lot of busyness already.
“Kumbaga nadaan ko na siya lahat, dinadaanan ko pa rin siya up to this point, so as I go along pag-aaralan mo na balansehin ‘yung ginagawa ko, ‘yung mga dapat at ‘di dapat gawin.
“Sometimes okey lang na humindi for yourself, kasi siyempre ikaw ‘yan, eh. Ikaw ‘yung kailangan magtrabaho so siyempre alagaan mo rin ‘yung sarili mo,” lahad ni Alden sa nasabing interview.
Pagpapatuloy pa niya, “And at the same time pag kaya mong pagsabayin good din ‘yun. Siyempre ako against sa mantra ko ‘yung humindi sa trabaho and opportunities, kasi it keeps me going and that’s the reason why I’m here in this industry.
“And siyempre at the same time you find things that you enjoy in the work that you do, ‘yung mga trabaho mo maghanap ka ng enjoyment doon para at least hindi mo iisiping nagtatrabaho ka,” dugtong pa ni Alden.
Samantala, sa pagpapatuloy naman ng The Gift, nailigtas nga ni Helga (Sophie Albert) si Sep (Alden) matapos iwan ng mga kidnaper sa isang madilim na iskinita. Sa tulong ng kaluluwa ng tatay ni Sep na si Gener (TJ Trinidad), natunton ni Helga ang kinaroroonan ng binata.
Simula na ng mas matitinding hamon sa buhay ni Sep at sa “gift” na ibinigay sa kanya matapos mabulag. Sa paggising niya habang naka-confine sa ospital mas magiging maliwanag na ang kanyang mga pangitain at panaginip na makakatulong sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Pero ang tanong, umamin na kaya sina Lola Char (Elizabeth Oropesa) at Strawberry (Jo Berry) na kilala na nila ang totoon niyang magulang o patuloy pa rin nilang lolokohin ang binata para hindi ito tuluyang mawala sa kanila?
Patuloy na tutukan ang mas umiinit pang mga tagpo sa The Gift after Beautiful Justice sa GMA Telebabad.