Third time na ng TBA Studios na mapasama sa Metro Manila Film Festival. Una nitong isinabak sa taunang pestibal ang “Bonifacio Unang Pangulo” ni Robin Padilla.
Kasunod nito ang movie-documentary na “Pinay Beauty Queen” na isa sa mga kumitang entry noong 2016 sa MMFF.
This year, isang romantic-comedy film naman ang ilalaban ng TBA, ang “Write About Love.”
Siyempre, kapag Pasko, mas gusto ng mga manonood ang masayang panoorin, di ba?
“Bagay na bagay ang pelikulang ito para sa gustong ma-in love ngayon Pasko,” ayon kay direk Crisanto Aquino sa kanyang unang directorial job matapos pumapel bilang assistant director sa magagaling na filmmakers sa bansa.
Biggest break din para sa Goin’ Bulilit graduate na si Miles Ocampo ang nasabing pelikula. Ito ang magsisilbing launching film niya at maswerte pang nakapasok sa MMFF 2019.
Ayon kay direk Crisanto, “Miles is perfect for the role because of her authenticity. She is currently taking up Creative Writing at UP Diliman and like her character is also NBSB (no boyfriend since birth).
“The movie will make you feel as if the role is specifically written for her,” saad ng director.
Katuwang ng TBA Studios sa marketing at promotions ng “WAL” ang leading entertainment and celebrity firm sa bansa, ang Publicity Asia.
Kasama ni Miles sa movie sina Rocco Nacino, Joem Bascon at Yeng Constantino.