Claudine humingi ng proteksyon sa korte laban kay Raymart

NAGSAMPA na ng Temporary Protection Order si Claudine Barretto laban kay Raymart Santiago sa Marikina court.

Kasama ang kanyang abogadong si Atty. Ferndinand Topacio, isinumite ng aktres ang kanyang affidavit, ngunit hindi ito nagpaunlak ng interview.

Tanging ang legal counsel lang ni Claudine ang nagsalita tungkol sa pagsasampa ng TPO, “Hinihiling niya na bigyan siya ng TPO, para hindi makalapit at a certian distance si Raymart sa kaniya at sa mga anak nila.

“We have just filed it at maghihintay na lang tayo ng desisyon ng korte,” ani Atty. Ferdie Topacio.

Sinusubukan ng Bandera na hingan ng pahayag ang kampo ni Santiago.

Read more...