Mula kay Ana Marie ng …6698 Davao City. April 20, 1989 ang birthday ko. Nag-aaplay po ako ng trabaho sa ngayon pero hindi naman ako matanggaptanggap, kailan kaya ako magkakaroo ng trabaho?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 20, 1989 sa taon ding ito ng 2013 sa buwan ng Oktubre sa isang computer shop, basta trabaho may kaugnayan sa computer, cell phone at iba pang modernong kasangkapan na usong-uso ngayon, matatanggap ka na ng trabaho at sa nasabing trabaho ka na rin magkakaroon ng boyfriend at magiging maligaya.
>>>
Mula kay Ana Liza Catalan ng Pobalcion, Tacurong City. July 4, 1989 ang birthday ko. Ano po ba ang kapalaran ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ana Liza, marami pong uri ng kapalaran at kung iisa-isahin ko ito mauubos ang espasyong inilaan sa ating artikulo, pero hindi parin tapos ang diskusyon sa mahabang kapalaran ng isang tao tulad mo.
Dahil dito, puwede po ba mag-text ka uli at sa susunod mong pagte-text i-ispesipik mo ang iyong katanungan, limitahan mo lang sa ano bang parte ng buhay mo ang gusto mong malaman ang iyong kapalaran. Halimbawa, sa pag-ibig, sa career, sa pamilya, sa travel, sa kalusugan, sa pag-yaman, sa negosyo, sa politika, sa pag-aaral at kung ano-ano pa.
Ganonpaman, bilang sample, ayon sa birthday mong July 4, 1989, magiging magara at magulo ang iyong kapalaran, dahil ang mangyayari sa kapalaran mo sa ayaw at sa gustong sa pangkalahatan, “tatangay-tangayin ka ng mga kakilala, kamag-anak at mga kaibigan sa isang bagay na hindi mo naman gustong mangyari sa iyong buhay.” Sa bandang huli, tatanungin mo ngayon ang iyong sarili at kapalaran: “Bakit ba naging ganito ang kapalaran kong sinadlakan, hindi ko naman ito gusto pero bakit ganito ang nangyari sa akin?” Kapag naranasan mo na ang ganyang kapalaran. Maaalala mo si Madam Sophia, at sasabihin mong “Tama si Madam, paano ngayon ako makaalis sa magulo at pangit na kapalarang ito?” Sa puntong iyon ng iyong buhay, muli kang mag-text at tuturuan kita ng teknik kung paano mo mapapaganda, mapapabuti at mapapaligaya, hindi lamang ang iyong kapalaran kundi ang buong buhay mo habang rumaranasa ka sa mundong ito.
>>>
Mula kay Val ng …1064, Negros Oriental. February 14, 1980 ang birthday ko. Suwerte po ba ako sa taong ito sa aking career?
Tugon ni Madam Sophia: Lagi kang suwerte sa iyong career, basta ang mahalaga kilos ka lang ng kilos. Nakakita ka na ba ng pang-display na pendulum? Yon yong, dalawang bilog na bakal o magka-complementary bagay, na kapag ginalaw mo o kaya’y nahipan ng hangin, wala ng tigil sa pagalaw ang nasabing bagay. Ganon din sa career, kapag kilos ka ng kilos at galaw ng galaw, magugulat ka pa, ang ganda-ganda na ng career mo, hanggang sa tuloy-tuloy ka ng yumaman.
Magugulat ka sa katotohanang ng pag-aanalisang nabanggit, kung aalalahanin mo sumandali na ka-birthday mo ang Presidential sister na si Ms. Kris Aquino, kung saan, kapag inisip mo wala naman siyang problema sa career, kasi masipag siyang mag-trabaho sa showbiz, pero ang malaking problema nya at magiging problema mo rin sa hinaharap ay ang tungkol sa love life. Kung sakaling namomroblema ka na sa iyong love life, para hindi ka matulad sa ka-birthday mong si Kris Aquino, isa alang-alang mo silang may zodiac sign na Libra, Gemini, at Virgo, higit lalo silan may birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29 – kapag nakatagpo ka ng ganyang kapareha sa buhay wag mo na siyang pakawalan, dahil sa pag-ibig at pakikipag-relasyon ang nasabing nilalang ang magpapaligaya sa iyo habambuhay.