P1B contingency fund gagamitin para sa kampanya vs African Swine Fever

SINABI ng Palasyo na hiniling ni Agriculture Secretary William Dar na gamitin ang natitirang P1 bilyong contingency fund ng Office of the President para sa kampanya ng gobyerno kontra African Swine Fever (ASF) sa harap ng patulong na pagkalat nito sa maraming lugar sa Luzon.

Idinagdag ni Presidential Spokesperson and Chief Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na kabilang ang ASF sa mga natalakay sa isinagawang pulong ng Gabinete sa

Malacanang nitong Miyerkules.

“To address the issue on African swine fever, the Chief Executive approved Agriculture Secretary William Dar’s request to use the remaining contingent fund of the Office of the President for the indemnification of hog raisers,” sabi ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo na magtatayo rin ng mga cold storage sa areas Ports of Manila, Subic, Batangas, Cebu at Davao para matiyak ang 100 porsiyentong monitoring ng mga karne na pumasok sa bansa.

Read more...