Meralco may taas singil

Meralco

SA ikalawang sunod na buwan, inanunsyo ng Manila Electric Company ang pagtaas ng presyo ng kuryente ngayong Nobyembre.

Ayon sa Meralco tataas ng P0.4717 kada kilo Watt hour ang singil ngayong buwan o mula P9.0862 ay magiging P9.5579 kWh.

Mas mura pa rin ito ng halos P1 kumpara sa presyo noong Abril.

 Ang pagtaas ay bunsod na mas mahal na generation charge na mula P4.5406/kWh ay naging P5.0317/kWh.

Tumaas din ang singil ng Wholesale Electricity Spot Market bunsod ng pagnipis ng suplay ng kuryente noong Oktobre 14 at 15 dahil sa pagtigil ng operasyon ng mga planta ng kuryente at pagtigil ng operasyon ng Malampaya natural gas facility noong Oktobre 12 hanggang 15.

Bumaba naman ang presyo ng kuryente mula sa Independent Power Producers (P0.0476/kWh) at Power Supply Agreements (P0.2643/ kWh) dahil sa mas maraming kuryenteng nalikha ng mga planta at pagbaba ng presyo ng coal, at paglakas ng piso kontra dolyar.

Ang singil sa transmission charge para sa mga residential customers ay bumaba ng P0.0767/kWh gayundin ang buwis at iba pang bayarin (P0.0573/kWh).

Read more...