Vice Ganda, Ion Perez 1 taon na ang relasyon: Ang sarap, freedom is blessed! | Bandera

Vice Ganda, Ion Perez 1 taon na ang relasyon: Ang sarap, freedom is blessed!

Ervin Santiago |November 06,2019
facebook
share this

Vice Ganda, Ion Perez 1 taon na ang relasyon: Ang sarap, freedom is blessed!

Ervin Santiago - November 06, 2019 - 06:38 PM

ISANG taon nang magkarelasyon sina Vice Ganda at Ion Perez. Ito ang diretsong binanggit ng Unkabogable Star sa panayam ng ABS-CBN.

Kinumpirma niyang sa Japan sila nagbakasyon kamakailan ni Ion kung saan sila nag-celebrate ng Halloween.

“Usually, Hong Kong talaga ako kapag Halloween, eh ayaw namin ngayon doon kasi natatakot ako magulo, kaya naghanap kami. Initially Korea talaga so last minute decision ‘yung Japan,” pahayag ng TV host-comedian.

Natanong si Vice tungkol sa pagiging open niya ngayon sa tunay na relasyon nila ni Ion. On national TV ay ibinandera niyang boyfriend nga niya si Kuya Escort.

“Oo freedom is blessed. It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit, wala kang iniisip mas na-eenjoy namin ang buhay,” pahayag ni Vice.

Masaya rin daw si Ion ngayon dahil alam na ng buong universe ang tungkol sa kanilang love affair.

“He’s very happy. I’m very happy. Kasi dati ‘yun ang parang iniinda kong sakit, e, ‘yung parang hindi naman ako kayang ipagmalaki ng mga lalaking nakakarelasyon ko, minamahal ko.

“Tapos sabi ko ‘yung nararamdaman kong ganu’n, bakit ko ipaparamdam kay Ion, na hindi ko siya mai-out, at hindi ko masabi nang derektahan at masabi (kung anong meron kami), kasi siya ang nauna e. Siya ‘yung mga nag-po-post sa Instagram noon pa, ako bihira, e,” chika pa ni Vice.

“Deserve ni Ion ‘to, kasi mabuti naman siyang tao, so bakit ko naman siya ikahihiya,” sabi pa ng Phenomenal Box-Office Star.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga taong masaya para sa kanila ni Ion, lalo na ang mga kaibigan niya in and out of showbiz

“I am happy and overwhelmed, dahil talagang ‘yung reaction nila (positive), ‘yun ngang post ko sa Instagram, almost 800K likes na. Sabi ko nga ‘ang ganda ng suporta ng mga tao, parang mahal na mahal nila kami ni Ion,” dagdag pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending