Jeepney nakanal: 23 sugatan

UMABOT sa 23 katao ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang jeepney sa isang irrigation canal sa San Jose, Antique, nitong Martes.

Kabilang sa mga sugatan ang driver na si Vicente Gallano Jr., 70, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Dinala siya at 22 niyang pasahero sa pagamutan dahil sa mga pasa at galos na tinamo, ayon sa ulat.

Naganap ang insidente dakong alas-9:15 ng umaga, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Atabay.

Minamaneho ni Gallano ang jeepney mula Sibalom patungong San Jose, nang bigla umanong magloko ang preno, ayon sa ulat.

Read more...