Sunshine Cruz binantaan ang basher na tumawag na 'malandi', 'boldstar' sa anak | Bandera

Sunshine Cruz binantaan ang basher na tumawag na ‘malandi’, ‘boldstar’ sa anak

Bandera |November 05,2019
facebook
share this

Sunshine Cruz binantaan ang basher na tumawag na ‘malandi’, ‘boldstar’ sa anak

Bandera - November 05, 2019 - 01:00 AM

SUNSHINE CRUZ AT SAMANTHA MONTANO

Binalaan ni Sunshine Cruz ang isang netizen na nambastos sa menor de edad na anak nila ni Cesar Montano na si Samantha.

Hindi pinalampas ng aktres ang pambu-bully ng basher na may handle name na @myluvkycine kay Samantha at talagang pinagsabihan niya ito na mag-ingat sa kanyang sinasabi.

Ipinost ni Sunshine sa Instagram at Twitter ang screenshot ng direct message ng netizen sa anak. Ang sabi nito, may namamagitan na raw kay Samantha at sa Kapamilya young actor na si Kyle Echarri.

“Who’s Kyle dating right now you or Lorin?” tanong ng netizen. Hindi nito binanggit kung sino ang “Lorin” na kanyang tinutukoy. Pero aniya, sina Samantha at Lorin daw ang wawasak sa career ni Kyle.

Hirit pa ng hater, “Lalandi niyo manang mana kayo sa nanay niyo! hahaha! Alam niyo may ka loveteam na si Kyle lagi pa din kayo nagkikita.”

Ang tinutukoy nitong ka-loveteam ni Kyle ay ang Kapamilya teen star na si Francine Diaz na napapanood sa Kadenang Ginto ng ABS-CBN.

Sa isa pang mensahe ng netizen kay Samantha, idinamay na nito si Sunshine, “Mana ka sa nanay mo bold star! malandi malandi ka kayo ni Lorin.”

Ito naman ang resbak sa kanya ni Sunshine, “Why are you attacking my daughter @samcruzm? Mag ingat ka @myluvkycine! @kyleecharri and my daughter are friends ONLY!”

Hindi palapatol si Sunshine sa mga bashers pero kapag ang mga anak na niya ang binabastos at binu-bully sa social media ay talagang sumasagot siya, lalo na kapag puro kasinungalingan ang ibinabato ng mga bashers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending