Bubble Gang 24 years na: Bakbakan sa ‘The Scavengers’

MICHAEL V, PAOLO CONTIS AT BETONG SUMAYA

Millennials ang target ng Kapuso gag show na Bubble Gang sa kanilang 24th anniversary special na “The Scavengers.” Two parts ito na mapapanood sa Nov. 15 at 22.

Parody ito ng hit foreign movie na “The Avengers” mula sa Marvel Studios kung saan kasama sina Thanos, Hulk, Iron Man, Thor, Spiderman at marami pang iba. Ar para mas bongga ang kanilang anniversary special, todo ang gastos ng production para sa special effects ng dalawang episode.

“Medyo baliw at ambisyosong project ito. Sa totoo lang, laro lang ang gusto namin and yet gusto naming ipakita na kami ay naglalaro, ‘yung quality hindi mawawala.

“So this time around, it’s a visual treat na talagang sa teaser pa lang gugulatin namin kayo.

“We have a new audience every single day and episode. It’s like our duty and also our pleasure to create something for these new audiences, sa mga bagong sumusuporta, at sumusubaybay. At the same time, we are maintaining ‘yung mga suki na namin,” pahayag ni Michael V sa ginanap na Bubble Gang mediacon kahapon.

Si Bitoy ang lalabas na Allan Peter Kuya Tanos, ang main villain sa kuwento at lalabas naman bilang Scavengers sina Antonio Aquitania, Paolo Contis, Kim Domingo, Boy 2 Quizon, Sef Cadayona, Betong Sumaya at iba pang mainstays sa programa.

Read more...