Cebu pinalawig hanggang Hunyo 2020 ang ban ng pork products mula sa Luzon


INIHAYAG ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na tatagal hanggang Hunyo 30, 2020 ang ban sa karne ng baboy mula sa Luzon at iba pang bansa na may mga kaso ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Garcia na nananatiling banta sa lokal na industriya ng baboy ang ulat na nagpositibo sa ASF ang isang lokal na brand ng processed meat mula sa Pampanga.

“It does not elate me to state that (extension of the ban) because of all that we are now seeing in Luzon where the ASF virus is obviously not contained and in fact is spreading in alarming proportions. As Governor of the province of Cebu, tasked with the duty to protect the province of Cebu, its inhabitants and our P11-billion hog industry, I have decided to extend the total ban on all pork and pork-related products coming not only from ASF-affected countries but coming also from Luzon until June 30, 2020,” sabi ni Garcia.

Unang ipinag-utos ni Garcia ang 100-araw na ban ng baboy at karne nito mula sa Luzon at 22 iba pang bansa matapos ang outbreak ng ASF.

Read more...