UMABOT sa 121 trak ng basura ang nahakot mula sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery mula Oktubre 10 hanggang Nobyembre 2.
Sa ulat na inilabas ng Manila Public Information Office, tinatayang 81 trak ng basura ang nakolekta sa Manila North Cemetery (1,003.06 cubic meters) samantalang 40 trak ng basura ang nakuha sa Manila South Cemetery (919.55 cubic meters).
Kabilang sa mga nakolektang basura mula Oktubre 10 hanggang Oktubre 31 ay 67 trak ng basura sa Manila North Cemetery, 33 trak ng basura sa Manila South Cemetery.
MOST READ
LATEST STORIES