Mekeni skinless longganisa at picnic hotdog nagpositibo sa ASF

INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang skinless longganisa at picnic hotdog ng Mekeni Food Corporation.

Sinabi ng DA na ito’y base sa isinagawang confirmatory test sa mga processed meat products ng Mekeni.

Idinagdag ng DA na bago pa man ang resulta ng confirmatory test, nagdesisyon na ang Mekeni na i-pull out sa merkado ang kanilang mga produkto.

Bagamat hindi masama sa kalusugan ng tao ang pagkain ng mga produktong may ASF, maaari namang makahawa ang nakakain ng baboy na kontaminado ng Swine Fever.

Read more...