Vanjoss Bayaban ng Team Sarah wagi sa TVK Season 4

VANJOSS BAYABAN

Panalo ang 12-year-old na si Vanjoss Bayaban ng team ni coach Sarah Geronimo bilang ang grand champion ng pinakabagong season ng The Voice Kids last Sunday na ginanap sa Resorts World Manila.

Umapaw ang suporta ng publiko para kay Vanjoss, na mula Pangasinan, sa pagtala niya ng pinakamataas na combined percentage ng text at online votes na 62.11%, at nagwagi sa mga pambato nina coach Bamboo at Lea Salonga na sina Carmelle Collado (24.74%) at Cyd Pangca (13.15%).

Sa dalawang araw na finals, kinumbinsi ni Vanjoss na iboto siya ng mga manonood sa pamamagitan ng pag-perform ng “Habang May Buhay” sa duet niya kasama si coach Sarah, “Titanium” sa upbeat showstoppers round, at isang makapagil-hiningang bersyon ng “You Raise Me Up” para sa kanyang power ballad.

Bilang ang pinakabago at ikaapat na The Voice Kids grand champion,” nagwagi si Vanjoss ng P2 million cash, recording at management contract sa MCA Music, at house and lot mula Camella Homes na may halagang P2 milyon.

Read more...