Pacman, Jinkee binanatan: Nagpapakaligaya raw sa Korea habang nililindol ang Mindanao
NABATIKOS ang mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na nagliliwaliw sa South Korea kasama ang mga anak nila.
Proudly ay ipinost ng magdyowa ang mga kaganapan sa latest trip nila at talagang pinag-usapan ang mga ito sa social media.
Kabilang sa mga pinuntahan ng mag-asawa kasama ang kanilang mga anak ang ilang famous sights sa Korea as reported by a website like Garden of Morning Calm, Starfield Library, and two Unesco World Heritage Sites namely; Hahoe Village and Hwaseong Fortress.
While many were delighted to see their photos, marami naman ang bumatikos. Wala pa raw kasing nakikitang visible help ang mga Pacquiao sa mga nabiktima ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao.
“Wow.. Bongga…Sana naman ung mga kababayan mo sa Mindanao paki help naman. Kahit tubig lang. Gayahin mo GMA at ABS CBN.”
“Ta ka! Kung ako rich ako na magpa padala don na tubig. From Bicol po ako. Naaawa lang sa mga nasalanta ng lindol.”
“Sana inuna yung pagtulong sa mga taga Mindanao. Taga Mindanao ka rin po di ba senador?”
“Grabe nililindol na lugar nila sila masaya lang. Galeng! Palakpakan!”
“I think showing them having a good time while their fellow Mindanaoans are in the midst of calamity is really incongruous.”
‘Yan ang aria ng mga bashers sa pamilya ng Pambansang Kamao. Pero may mga nagtanggol din sa kanila.
“Wag pong pangunahan, baka may plan na si Sir Manny Pacquiao pag naka uwi na cla sa Pinas, yung iba advance mag isip.”
“Wag po nating pangunahan. Nung walang sakuna tumutulong siya ngayon pa kaya. Baka may inutusan na siya sa Team Pacquiao!”
Wala pang lindol ay nasa bakasyon na sa Korea ang mga Pacquiao kaya ano ang kanilang kasalanan?
Hindi naman siguro pinabayaan ni Manny ang kanyang kapwa taga-Mindanao. For sure ay nagpadala na siya ng tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.