Sexbomb Girls agaw-eksena sa One Of The Baes; pakilig ng RitKen tagos

BENTANG-BENTA talaga ang pagsasama nina Rita Daniela at Ken Chan sa viewers dahil patuloy ang pag-arangkada ng kanilang pinagbibidahang primetime series na One of the Baes sa ratings game.

Sa nakakaaliw na episode kamakailan, may special appearance ang ilang members Sexbomb Dancers sa birthday surprise ni Pops (Roderick Paulate) para kay Jowalyn (Rita). Feeling nostalgic ang ilang viewers sa muling pagsasama-sama ng Sexbomb Girls.

Hindi naman nagpahuli ang mga bida ng OFTB sa pagsasayaw kahit na may iniindang problema. Late man sa party, kilig na kilig pa rin ang televiewers sa biglang pagsulpot ni Grant (Ken) sa tabi ni Jowa.

Comment ng ilang netizens, kakaibang magpakilig ang RitKen, tagos sa puso!

Tutukan ang mga susunod na episodes ng OFTB na tiyak magpapa-good vibes sa inyo gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Read more...