HABANG patuloy ang mga aftershocks matapos ang tatlong malalakas na lindol na tumama sa Mindanao noong Oct. 16, 29 at 31, isang humanitarian crisis ang namumuo sa mga nasalantang lugar.
Maraming bata ang nakakalat ngayon sa mga highway at humihingi ng tubig, pagkain o tarpaulin para magamit nilang masisilungan mula sa mga motorista.
Karamihan ay nakatira sa mga tents sa tabi ng highway matapos silang lumikas mula sa mga bundok.
Maging ang water system na pinagkukunan ng kanilang mga mga pagkain at inumin ay nasira dahil sa mga landslides.
Mabuti na lamang at merong mga magagandang loob na taong wala ring tigil sa pagbibigay ng donasyon. Pero, ito’y kulang na kulang kung walang malawakang pagkilos na gagawin ang gobyerno lalong lalo na sa kalagayan ng mga bata.
Sa ngayon, higit 3.2 milyong mga kabataan ang direktang apektado ng patuloy na lindol sa Mindanao, at 1.9 milyong estudyante ang walang pasok dahil nasira ang kanilang mga bahay, eskwelahan at ang mga magulang ay nawalan ng hanapbuhay. Marami sa mga bata ay nagkaroon na ng matinding trauma dahil sa tuluy-tuloy na aftershocks.
Isang estudyante, si Jessie Riel Parba, 15, at Grade 9 sa Kasuga National High School sa Magsaysay, Cotabato ay namatay nang tamaan ng bloke ng semento sa fire exit ng naturang eskwelahan. Isang kamatayan sa loob mismo ng eskwelahan na nagdudulot ng takot sa bawat mag-aaral at magulang.
Dito, inasahan natin ang tulong ng Mayor at Congressman para sa pagpapalibing sa bata, pero naniniwala ako na dapat magkaroon ng “just compensation” ang pamilya dahil namatay ito sa loob ng eskwelahan kung saan “depektibo” ang fire exit.
Hindi naman siguro mamasamain ng contractor ng nasirang paaralan na “bayaran” ang pamilya ng biktima.
Dito masusubok ang emergency services ng gobyerno. Maraming mga local governments ang nagdeklara na ng state of calamity upang magkaroon sila ng pondo para tulungan ang mga nasalanta.
Pero, merong mga bayan na hindi agad nakatulong ang mga first responders dahil sila mismo ay nawalan o nasiraan ng bahay tulad sa bayan ng Makilala. Nakita na natin ang sitwasyon sa “Yolanda”, kung saan wiped out ang mga first responders pero kaila-ngan pa rin ng mas mabilis na reaksyon.
Mabagal ang tanggapan ni NDRMMC executive director Ricardo Jalad at ng buong “disaster response apparatus” ng gobyerno. Maging ang pagtalaga kamakalawa kay Defense Sec. Delfin Lorenzana ng Malakanyang bilang pi-nuno ng relief efforts ay atrasado bagamat kumi-kilos naman at coordina-ted ang aksyon ng AFP, PNP, DOH, DPWH at DSWD.
Pero, ang pangunahing pangangailangan ay pagkain at tubig ng mga biktima ng lindol. Wala silang makain at mainom. Bawat batang namamalimos sa mga highway ay merong pa-milyang umaasa na mabibigyan ng tulong ng mga tao lalo na ng gob-yerno.
Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung bakit ang mga media companies tulad ng ABS-CBN, GMA7 at malala-king publications ay hindi ganoon kasidhi ang pagtulong sa mga nasalanta maliban sa kanilang regular na mga segments sa newscasts o pahayagan.
Nagtataka rin ako sa mistulang “regular disaster coverage” lamang ang kanilang “treatment”. Dahil ba maliit lang ang mga casualties?
May problema ba sa sitwasyon sa Mindanao, lalot ito’y nasa ilalim ng martial law, kaya ito ay dahil Duterte country, kayat maingat ang mga media companies?
Bakit nga ba?