Luis absent sa Undas vacation ng pamilya; nakipag-date kay Jessy

VILMA SANTOS AT LUIS MANZANO

Happy, happy birthday sa nag-iisang Star for All Seasons na si Cong. Vilma Santos-Recto ngayong araw, Nov. 3.

Wala sa bansa si Ate Vi ngayon. Bakasyon siya sa isang Asian country kasama ang pamilya. Pero ilang araw lang ang bakasyon nila dahil kailangan niyang bumalik agad sa bansa dahil back to work na siya sa Congress on Nov. 4.

Hindi kasama si Luis Manzano sa biyahe ng pamilya Recto dahil nasa Taipei ang TV host kasama ang girlfriend na si Jessy Mendiola, huh!

Happy, happy birthday, Ate-Cong. Vi!

Read more...