Aiko nag-ghost hunting sa Subic; bahay ng BF may nakikitirang kapre

AIKO MELENDEZ AT JAY KHONGHUN

KAKAIBANG pasiklab ang ginawa ng couple na sina Aiko Meledez at Zambales Vice Governor Jay Khonghun nu’ng Halloween kesa magsuot ng costume at mag-party.

Sa Facebook page ni Aiko, ghost hunting ang ginawa nila ni VG Jay sa isang abandoned na lugar sa Subic.

Gusto nilang madiskubre kung totoong may mga elementong namamahay sa nasabing lugar.

Saad pa ng bida ng Kapuso series na Prima Donnas, “Nakipag-kuwentuhan din ako sa dalawang staff ni VG Jay Khonghun, na sina Kuya Mayong at Kuya Poroy tungkol sa kanilang naranasan sa kapre sa mismong bahay nila VG.”

Ang ginawang ghost hunting ng magkarelasyon ay mapapanood sa YouTube channel ng akters na Aikonfess. Panoorin n’yo na lang ang video para malaman kung naka-survive ang dalawa sa paghahanap ng multo.

 

Read more...