Konting-konting panahon pa at maayos na maayos na ang sitwasyon ng kalusugan ni Kris Aquino.
Nangako ang TV host na hindi na muna niya ipagmamakaingay ang mga nagaganap sa kanyang gamutan pero ibang tao ang nagbabalita na maayos na siya ngayon.
Dapat lang naman dahil napakatagal nang nagsasakripisyo ni Kris sa kanyang sakit na milyonaryo man siya ay parang hindi naman pinakikinggan ng problema niya ang kalansing ng kanyang pera.
Parang simple lang sa malayuang tingin ang kanyang sakit, allergies lang, pero kakaiba ang umatakeng sakit kay Kris.
Palibhasa’y laking-mayaman, isinisisi ng iba ang paghina ng kanyang sistema sa hindi man lang paglalaro sa putikan, paliligo sa ulan at iba pang karanasang hindi ipinagdamot sa mga ordinaryong tulad natin.
Pero may milagrong nagagawa ang salapi. Ginagawa nitong kumportanle ang maysakit. Nabibili niya ang lahat ng kailangang gamot, nakapagpapagamot siya sa pinakamalalaking orpital, pinagpala pa rin si Kris Aquino.
Nagbakasyon silang mag-iina sa isang malayong bansa na hindi ipinaalam ni Kris kung saan. Ang mahalaga nga naman ay magkakasama silang mag-iina, inaangkin nila ang mundo ngayon, napagdamutan niya ng panahon sina Josh at Bimby dahil sa pinagdaanan niyang proseso ng gamutan.
Health is wealth, totoong-totoo ‘yun, dahil iisa lang naman ang ating buhay na hindi maaaring bilhin sa pinakasikat mang shop gaano man tayo kayaman.