Misis ng sikat na aktor pa-sweet ang image pero nasa loob ang kulo: Maldita siya!

MARAMI palang naiilang sa naging misis ng isang pamosong aktor. Ramdam kasi ng mga ito ang tahimik lang na kaplastikan ng magandang female personality.

Tatahi-tahimik, sabi ng malalapit sa kilalang aktor, pero nasa loob naman ang kulo. Hindi sila kumportable kapag kasama ng male personality ang kanyang misis sa mga party.

Kuwento ng isang source, “Maldita kasi ang babaeng ‘yun! Palagi man siyang nakangiti na parang hindi-makabasag-pinggan, e, maldita siya!

“’Yun ang simpleng kamalditahan, tinatakpan ng kiyemeng pagngiti, pero saan ka, nasa loob ang kulo niya!” pagtatapat ng isang impormante.

Kahit nu’ng hindi pa sila mag-asawa ng kilalang male personality ay marami nang umiiwas sa babaeng personalidad na akala mo napakasimple pero tagung-tago ang kasupladahan.

Patuloy ng aming source, “Nu’ng bumida ‘yun sa isang show, e, maraming dancers ang hindi nagkakagusto sa kanya. Feeling pa-know kasi ang babaeng ‘yun, e, pareho ngang kaliwa ang magkabila niyang paa nu’ng una!

“Natuto na lang siya kaya ayun, bumida pa siya sa isang dance show, para siyang kawayan na pagkatangkad-tangkad, hindi bagay sa kanya ang mga galaw niya!

“Palagi siyang nakangiti oncam, pero kapag wala nang nakatutok na nga camera sa kanya, e, back to reality na ang girl! Maldita!” isa pang chika ng aming impormante.

Nakakatawa, kapag pala magkikita ang male personality at ang kanyang mga katropa ay may bilin ang mga ito, huwag nitong isasama ang kanyang misis, para ayos ang paligid.

“Kahit ang mga kamag-anak ng male personality, hindi type ang ugali ng babaeng ‘yun. Alam na alam nila na nakangiti nga ang girl, pero maldita naman!

“Naku, mabuti na lang at maraming nagmamahal sa guy, bitbit na rin niya ang pilit na pagkagusto ng mga katropa niya sa wife niya!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, isang salita lang ang maririnig n’yo, e, siguradong getlak n’yo na kung sino ang malditics na girl na ito!

“Mahirap tumira sa mga lugar na binabaha, di ba, lalo na kapag may high tide!” pagtatapos ng nakairap naming source.

Read more...