Jeric, Klea level-up na ang relasyon; nagpakaligaya sa Ilocos

JERIC GONZALES AT KLEA PINEDA

Magka-holding hands na nilibot ng Magkaagaw stars na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda ang ilang tourist spots sa Ilocos last weekend at kilig na kilig naman ang fans na abangers talaga sa kanilang social media posts.

Sa Instagram, panay ang pag-share ng KleRic ng kanilang sweet moments matapos makasama sa Kapuso Float Parade ng Raniag Festival sa Vigan City kung saan nagdaos pa sila ng masayang fan meeting.

Kabilang sa mga pinuntahan nila ang sikat na Calle Crisologo at Paoay Sand Dunes. Siyempre, maraming pinakilig ang magka-loveteam sa kanilang bonding moments at sana raw ay sila na talaga ang magkatuluyan in real life.

Looking forward na ang netizens sa susunod na trip ng Kapuso loveteam. May isang KleRic fan pa nga ang nag-comment na sana one of these days ay magkaroon na rin sila ng kissing photo tulad ng ibang showbiz couples.

Samantala, patuloy na umiigting ang mga kaganapan sa buhay ng mag-asawang Clarisse at Jio sa Magkaagaw kaya naman panalo na naman ito sa ratings na napapanood sa GMA Afternoon Prime.

Read more...