Pang-Guinness Book of World Records na rin ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero!
Ito’y makaraan silang lumahok sa sabay-sabay na pagsasayaw ng “Pantomina Sa Tinampo” kasama ang 7,127 na mga taga-Sorsogon.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang “Pantomina Sa Tinampo” ay isang traditional Bicolano dance na sinayaw ng mga residente ng Sorsogon kamakailan bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang sa ika-125 taon ng probinsya.
At dahil sa pakikilahok ng mahigit 7,000 katao, ito na ang itinanghal na pinakamaraming mananayaw ng “Pantomina Sa Tinampo” sa isang lugar at kinilala ng Guinness World Record bilang The Largest Filipino folk dance.
Sa Facebook page ng tourism administration ng Sorsogon, ibinandera nito ang tinanggap na parangal mula sa Guinness World Record na naging highlight nga ng pagdiriwang ng anibersaryo ng probinsya.
“What a way to end the month-long Kasanggayahan Festival!
“Today’s Pantomina sa Tinampo is recognized as the largest participation in a Filipino folk dance by Guinness World Records with 7,127 participants.
“Congratulations to all our organizers, participants and the LGU of the 13 municipalities, Sorsogon City and the Provincial Government of Sorsogon,” ang kabuuan ng FB post.