Billy sa sobrang pagpayat: Hindi po ako nagda-drugs, wala akong malalang sakit!

BILLY CRAWFORD

MAY malalang sakit nga ba si Billy Crawford? Nagdodroga ba ang asawa ni Coleen Garcia?

‘Yan ang ilan sa mga tanong ng fans and social media followers ni Billy matapos kumalat ang mga litrato niya kung saan makikita ang sobrang payat niyang mukha at katawan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapamilya TV host-actor ng kanyang litrato kasama si Coleen na kuha sa pinuntahan nilang Halloween party.

Dito ibinalita ni Billy na isang taon na siyang hindi umiinom ng alak at napakasarap daw ng feeling ng pagiging alcohol-free. Nagpasalamat din siya sa kanyang misis na si Coleen dahil sinuportahan talaga siya nito sa kanyang journey.

“I got to celebrate with my everything last night for Halloween. And yesterday was my first year anniv since I stopped drinking, not one lick since.

“Thanks so much my love for supporting me and being there when I’m irritated,” caption ni Billy sa kanyang IG post.

Sa comments section, marami ang nagtanong kung bakit ang payat-payat niya ngayon, mukha raw siyang may malalang sakit.

May ilang netizens naman ang nagsabi na mukha raw siyang nagda-drugs dahil sa itsura niya ngayon.

Hindi raw bagay sa kanya kaya sana ay magdagdag siya uli ng timbang.

Narito naman ang sagot sa kanila ni Billy, “Everyone says I lost too much weight and I’m ‘too thin’ etc.

“I am NOT sick NOT on drugs just pure happiness and sober!

“Free from cigs, and now free from alcohol, too. To God be the glory!”

Kung matatandaan, nagsimula ang pagpapapayat ni Billy noon pang 2017 sa pamamagitan ng Keto diet (very low in carbohydrates and high in fat). At mula noon talagang kinarir na ni Billy ang pagda-diet, kabilang na nga ang pag-iwas sa anumang uri ng alak.

Read more...