Julia Montes nagparamdam sa b-day ni Coco

MARAMING bumati kay Coco Martin sa kaarawan nito kahapon, Nov. 1. Pero ang talagang napansin ng netizens ay ang birthday greeting ni Julia Montes.

Si Coco ang itinuturong tatay ng umano’y anak ni Julia pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nagsasalita tungkol dito.

Kaya kahapon, maraming natuwa nang batiin ng aktres si Coco sa 38th birthday nito kahit simpleng “HBD” lang ang ipinost nito na may face blowing a kiss at birthday cake emojis sa Instagram. Kalakip nito ang picture ni Coco sa frame na naka-display sa hallway ng ABS-CBN building.

Read more...